Blue Ribbon Committee pinakikilos sa ‘overpriced cameras’ ng DepEd

Pinasisilip ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Senate Blue Ribbon Committee  napaulat na diumanoy  overpriced na cameras na binili ng Department of Education (DepEd) noong 2019. Ayon kay Pimentel, kung hindi aaksiyunan ng DepEd ang panibagong isyu ay tiyak na kikilos ang Blue Ribbon Committee. Batid ng senador na eksperto na ang naturang komite sa pag iimbestiga ng mga anomalya sa paggamit ng mga ahensiya ng kanilang pondo. Kakalabas lamang ng committee report ukol sa overpriced at outdated laptops na binili ng DepEd. Nilinaw naman ni Pimentel na papasok sa eksena ang Blue Ribbon Committee sa panibagong isyu kung walang gagawing aksyon ang DepEd. Una nang inihayag ng DepEd na iimbestigahan ang isyu sa camera na sinasabing higit P150,000 ang pagkakabili ngunit maaring mabili lamang ng higit P30,000.

Read more...