Estudyante, 2 pa huli sa kidnapping sa Iligan City

Naaresto ng mga operatiba ng PNP – Anti Kidnapping Group ang tatlong katao, kabilang ang isang 19-anyos na estudyante, sa Iligan City. Nabatid na noon pang Oktubre 2,2022 dinukot ang 18-anyos na biktima sa Tagum City. Kinilala naman ang mga suspek na sina Moamar Lumbao, 32, isang negosyante; Saino Managa, 39, driver at Samad Dipo, 19. Nabatid na unang nanghingi ng P3.4 milyong ransom ang mga suspek ngunit nabigo ang pamilya ng biktima na magbayad. Ayon sa biktima nagpalipat lipat sila ng taguan hanggang sa mga bundok sa Lanao Del Norte at Lanao Del Sur. Narekober sa sinalakay na safehouse sa Barangay Sta. Felomina ang isang itim na Toyota Innova (ZTS 113), na nakarehistro sa isang Napoleon Mamacol, ng Ditsaan-Ramain, Lanao del Sur.

Read more...