P6 bilyong Cancer Hospital sa UP-PGH, ipatatayo

 

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang unang Public Private Partnership project sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ito ay ang University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center Public Private Partnership (PPP) project.

Layunin ng proyekto nag awing modern ang health infrastructure sa oncology services at cancer care sa bansa.

Nasa P6 bilyon ang inilaang pondo para sa pagpapatayo ng 300-bed capacity hospital.

Gagawin ang proyekto sa 30-year Build-Operate-Transfer (BOT) arrangement sa ilalim ng BOT Law.

Ang BOT ay isang kasunduan sa pamamagitan ng concession kung saan pinapayagan ang pribadong partner na mag-pondo, magpatayo at mag-operate sa proyekto sa loob ng fixed term.

Kapag natapos na ang kasunduan, ibibigay ang proyekto sa public entity na nagbigay pahintulot sa concession.

May lawak ang Cancer Center na 3,000 square meters sa loob ng UP-PGH campus sa Manila.

Sa 300-bed capacity, 150 ang nakalaan bilang charity beds para sa UP-PGH Area at 150 naman sa private beds para sa Private Area.

Mayroon itong 15 hanggang 20 floors, 350 parking spaces, 1,000 square meter ng commercial space, at tatlong linear accelerators (LINAC) bunkers.

Ang itatayong ospital ay full range of cancer treatments, kasama na ang radio oncology (radiotherapy), imaging, medical oncology, at suporta sa UP-PGH’s teaching at research activities.

Ang UP-PGH’s private partner ang gagawa ng design, engineer, construct, at magko-komisyon sa buong hospital building, procure, maintain, at magbibigay ng periodic replacement ng medical at non-medical equipment.

 

Read more...