Hindi nagustuhan ng China ang pagbisita sa bansa ni US Defense Secretary Lloyd Austin.
Sa pahayag na inilabas ng Chinese Embassy dahil sa pagbisita ni Austin nadagdagan lamang ang tensyon at mabulabog din ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Inakusahan pa ng China ang US ng patu;loy na pagporma ng kanilang militar sa Indo-Pacific Region dahil sa pansariling interes.
Siniraan din aniya sila ni Austin para isulong ang anti-China agenda.
“Such moves contradict the common aspiration of regional countries to seek peace, cooperation and development, and run counter to the common aspiration of the Filipino people to pursue sound economic recovery and a better life in cooperation with China,” ayon pa sa embahada.
Nakipagkita pa si Austin kay Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang at bago ito napalawig pa ang presensiya ng US military sa bansa nang sakupin na rin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ang apat pang lugar sa Pilipinas.