200 piraso ng Samsung Galay Tablets ipinamahagi sa QC

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pamamahagi ng 200 Samsung Galaxy Tablets sa mga estudyante.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa mga nabigyan ng bagong tablet ang mga nasa Grades 1, 2 at 3 sa Apolonio Samson Elementary School (ASES).

Ipinamimigay ang tablet sa mga estudyante ng pampublikong paaralan bilang suporta sa kanilang mga pangangailangan.

Nabatid na simula 2020, umabot na sa 309,054 tablets ang naipamigay sa mga mag-aaral sa QC.

 

 

Read more...