Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na gumawa ng hakbang para direkta na ang ugnayan ng food producers at consumers pati na sa mga institutional buyers.
Ito ay para mawala na ang mga middlemen na nagpapatong pa ng malaki kayat tumataas ang presyo ng mga pagkain.
Agad naman na tumalima ang DA at pinaigting ang pagtulong sa farmer’s cooperatives at association (FCA) sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Katunayan, nasa P2.589 milyong halaga ng sibuyas ang naibenta ng FCA sa institutional buyers noong Setyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Nakatulong din sa mga magsasaka ang Kadiwa trucks at vans para madala ang mga produkto sa mga mamimili.
“Malaking tulong actually ang logistics. Nakatulong ang Kadiwa sa logistics,” pahayag ni Elvin Jerome Laceda ng RiceUp and Sakahon farmers’ enterprises.