Unang matuturukan ng mga darating na bivalent COVID 19 vaccines ang health workers, senior citizens, at ang mga may comorbidities.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Health (DOH) sa pagsasabing ipapatupad ang ‘prioritization strategy’ dahil konti lamang ang unang batch ng mga bakuna na darating.
Sinabi ng kagawaran na sigurado na ang donasyon na halos isang milyong doses ng bivalent Covid-19 Pfizer vaccines mula sa COVAX facility.
Inaasahan na sa susunod na buwan na darating ang mga bakuna
“For this initial donated batch of bivalent vaccines, the A1 (Health Care Workers), A2 (Senior Citizens) and A3 (individuals with co-morbidities) shall be prioritized in line with the conditions set by the COVAX Facility,” ayon sa DOH.
Kapag nadagdagan pa ang bivalent vaccines ay palalawakin naman ang grupo na maaring mabigyan.