Apat pang military bases binuksan sa Ph-US EDCA

AFP PHOTO

Inanunsiyo ng Pilipinas at Amerika ang napagkasunduan na dagdagan pa ang presensiya ng US military sa bansa sa pamamagitan ng pagdadagdag ng apat pang base-militar sa bansa na masasakop ng 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa joint statement kasabay ng pagbisita ni US Defense Sec. lloyd Austin, nagkasundo ang dalawang panig na paigtingin ang pagpapatupad ng EDCA.

Kasabay nito, bibilisan na rin ang pagtatapos ng mga proyekto sa limang lugar na bahagi na sakop na ng  kasunduan.

Una nang tinukoy ang Zambales, Cagayan, Isabela, at  Palawan na mga idadagdag sa sakop ng EDCA.

“The addition of these new EDCA locations will allow more rapid support for humanitarian and climate-related disasters in the Philippines, and respond to other shared challenges,” ayon sa joint statement ng dalawang panig.

Ang hakbang ay kasabay ng patuloy na pananatili ng presensiya ng China sa West Philippine Sea.

 

 

Read more...