Handang tumulong ang Amerika sa Pilipinas para sa mga biktima ng magnitude 6.0 earthquake na tumama sa New Bataan, Davao de Oro kagabi.
Ibinahagi ito kay Pangulong Marcos Jr., ni US Defense Sec. Lloyd Austin sa kanilang pag-uusap sa Malakanyang
Ayon kay Austin nakahanda silang magbigay ng humanitarian assistance at tutulong din ang kanilang aid personnel.
“Let me begin by saying that we’re very sorry to learn that yesterday, there was an earthquake that happened in Mindanao… the damage was not significant at least that’s what we understand. We’ve not heard of significant injuries being reported as well but we know how these things develop,” pahayag ni Austin.
Ilang katao na ang naiulat na nasugatan at nasaktan, bukod sa mga imprastraktura na napinsala.