Nabigyan ng National Housing Authority (NHA) ng kanilang sariling bahay ang 216 na pamilya na nasunugan sa Bataa.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, bukod sa mga nasunugan, nabigyan din ng pabahay ang mga naninirahan sa gilid ng waterways sa Orion, Bataan.
May sukat na 27 square meters ang bawat unit. at ang mga ito ay nasa anim na three-story low-rise buildings sa 1-Bataan Village Phase 1 Barangay Daan Pare sa Orion.
“Sana po ay maging daan ito ng pagtataguyod ng inyong mga pamilya para sa maayos na kinabukasan ng inyong mga anak. Pagyamanin po ninyo at pahalagahan ang bago ninyong mga tahanan,” pahayag ni Tai.
Aniya ito ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ni Pangulong Marcos Jr. na naglalayong makapagpatayo ng anim na milyong bahay sa pagtatapos ng termino sa 2028.
Sa hanay ng NHA, target nilang magpatayo ng 1.3 milyong pabahay sa loob ng anim na taon.