Inanunsiyo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na kailangan na mas makatugo ang K – 12 Program para makatugon sa panahon.
“We will revise the K to 12 Curriculum to make them more responsive to our aspiration as a nation, to develop lifelong learners who are imbued with 21st-century skills, discipline, and patriotism,” ani Duterte.
Aniya palalakasin ng DepEd ang Reading, Science and Technology, and Math programs bilang bahagi ng MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa agenda.
“We will reduce the number of learning areas in K to 3 from 7 to 5 to focus on foundational skills in literacy and numeracy in the early grades, particularly among disadvantaged students,” dagdag pa ni Duterte.
Isasama na rin aniya ang ‘peace competencies’ sa mga itinuturo para matiyak na ang mga mag-aaral ang mangunguna sa promosyon ng kapayapaan at kaayusan sa mga ‘conflict areas.’
“We will integrate “peace competencies” such as social awareness, responsibility, care for the environment, value for diversity, self-esteem, positive character, resilience, and human security into the various learning areas of the K to 12 Curriculum,” sabi pa nito.
Pagbabahagi pa ni Duterte, nirerebyu na ang K to 10 curriculum gayundin ang Senior High School curriculum.