Ang Araw ng Kalayaan ngayong araw ay ang huling Independence Day celebration ni Pnoy, bilang Pangulo ng Pilipinas.
Magtatapos ang kanyang termino sa June 30, 2016.
Ang tema ng Independence Day ngayong taon ay “Kalayaan 2016: Pangkakaisa, Pag-aambangan, Pagsusulong.”
Alas otso ng umaga, sisimulan ang inihandang aktibidad, gaya ng flag-raising at wreath-laying, sa bantayog ng pambansang bayani na si Dr. Rizal Rizal.
Mayroon ding tradisyonal na vin d’honneur para sa diplomatic corps sa Malakanyang.
Ang commemorative rites para sa Araw ng Kalayaan ay gagawin sa buong Pilipinas, gaya sa Kawit, Cavite; Malolos sa Bulacan; Angeles City, Pampanga; Cebu City at sa Davao City; at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Bukod sa mga naturang actibidad, mayroon ding Balik-Tanaw heritage tour sa Pasig River, cultural performances sa Paco Park at Rizal Park, simultaneous job fairs nationwide, trade fairs at public exhibits.