Ibig sabihin nito, mahigpit na pinagbabawalan ng CAAP ang mga Piloto na lumipad sa ruta patungong Bulusan Volcano sa Sorsogon. Dahil sa peligrong dala ng ibinubugang abo ng bulkan
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, ang nasabing kautusan sa mga Piloto ay mananatila hanggang bukas ng ika-1 ng hapon at posibleng pang palawigin ito depende sa magiging aktibidad ng Bulkan Bulusan.
Kahapon inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng abnormal na kondisyon ang Bulkan Bulusan, na nagdulot ng pagbuga ng usok at abo na tinatayang may taas na 2.0 kilometer.