Dahil sa dumadaming Artificial Intelligence (AI) chatbots, hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Trade and Industry (DTI) na protektahan ang Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
Una nang sinabi ng US-based technology research firm Gartner, makakatipid ng hanggang $80 billion ang call centers kung mapapalitan na ng AI ang mga tao pagsapit ng 2026.
Umaalma na ang mga higanteng tech firms dahil sa mabilis na pagsikat sa paggamit ng AI.
“Is the BPO industry in trouble too? Does Sec. Pascual, being at the helm of the DTI, have a plan for when more companies invest in AI instead of workers? Malaki ang magiging epekto nito sa ating BPO industry, sa ating ekonomiya, kaya dapat ngayon pa lang handa na ang ahensya sa posibilidad na ito,” ani Hontiveros.
Kada taon, kumikita ang industriya ng BPO sa bansa ng hanggang $30 billion, gaya ng mga OFWs at napakahalaga ng mga ito sa ekonomiya ng bansa kasama na ang kinikita sa turismo.
“If this industry gets into trouble, then dollars become scarce, they become more expensive, and the peso devalues. A pathway to entry into the middle class will also disappear,” dagdag pa ng senadora.