Kooperasyon ng diplomatic community hiningi ni Pangulong Marcos Jr.

Hinikayat ni Pangulong Marcos Jr. ang mga miyembro ng diplomatic community na makipagtulungan sa administrasyon para makamit ang Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Sa talumpati ng Pangulo sa Vin d’Honneur sa Malakanyang, sinabi nito na nagsisilbing blueprint ng economic at social transformation ng administrasyon sa susunod na anim na taon ang naturang plano.

“I urge our friends in the Diplomatic Community to work with us in achieving our development goals as laid out in the plan through partnerships and cooperation with your respective governments and also your business sectors,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

“Let us discuss opportunities where our countries can participate,” dagdag pa niya.

Hindi maikakaila aniya  na pinadapa ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Kaya bahagi aniya ng estratihiya ay hikayatin ang mga mamumuhunan na maglagak ng Negosyo sa bansa lalo na sa ektor ng agrikultura, renewable energy, imprastraktura at iba pa.

 

Read more...