Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, bagong DSWD chief

REX GATCHALIAN FB PHOTO

Nanumpa na si Valenzuela City Representative Rex Gatchalian bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasunod ito nang pagtatalaga sa kanya sa posisyon ni Pangulong Marcos Jr., na nagpanumpa din sa kanya sa bagong posisyon.

Inanunsiyo ang pagtatalaga kay Gatchalian kasabay nang pagdiriwang ng anibersaryo ng kagawaran.

Si Gatchalian ang ikatlong namuno sa DSWD kasunod nina Usec. Edu Punay at dating Sec. Erwin Tulfo, sa pitong buwan na administrasyong-Marcos Jr.

Pinasalamatan naman ni Gatchalian si Pangulong Marcos sa pagkakataon na maging miyembro ng gabinete at makapagsilbi bilang namumuno sa DSWD.

Sinabi nito na sa susunod na mga araw ay magtatalaga ang pamunuan ng Kamara ng ‘caretaker’ sa iniwan niyang distrito sa kanilang lungsod.

Nagsilbi si Gatchalian bilang alkalde ng Valenzuela City bago siya nahalal sa iniwan na posisyon.

Read more...