Survey: DepEd pinakikilos sa kapos na classrooms

Senate PRIB photo
Nais ng sambayanan na gawing prayoridad ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.   Base ito sa lumabas sa Pulse Asia survey na ginawa noong nakaraang  Septyembre  17 hanggang 21  na kinomisyon ni Sen. Sherwin Gatchalian.   Tinanong sa survey sa 1,200 respondents  ang mga isyung dapat na aksyunan ng kagawaran.   Nanguna sa mga isyung dapat na unahin ng DepEd ang kawalan o kakulangan ng classrooms sa bansa na nasa 52%.   Binigyang diin ni Gatchalian, na dapat na kumilos ang gobyerno na makamit ang classroom requirement para sa lahat ng mga mag-aaral sa buong bansa.   Batay din sa 2019 National School Building Inventory (NSBI) , tinukoy na mayroong mahigit 167,000 na kakulangan sa classroom sa buong kapuluan.   Sa resulta pa ng survey, 49% ng mga respondents ang tumukoy sa kawalan ng mga learning materials tulad ng mga aklat at computers, 45% ang kakulangan ng mga guro, 33% ang sa quality education habang 24% ang kawalan ng textbooks.

Read more...