Hindi agad kinagat ng ilang senador ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na VAT refund program para sa mga dayuhang turista sa bansa. Sinabi ni Sen. Grace Poe, nararapat na konsultahin muna ang mga eksperto patungkoldito. Dapat aniyang malaman muna kung paano epektibong maikakasa ang nasabing programa at kung ano ang mga “pros at cons” nito para sa bansa. Isa pa sa nais ding malaman ni Poe ay kung makakahikayat ba ito ng maraming turista para bumisita at gumastos ng malaki sa bansa at kung mababawi ba ang posibleng mawawalang kita. Sinabi naman ni Sen. JV Ejercito na kailangang timbangin ang magiging benepisyo rito ng bansa at konsultahin ang mga financial experts sa posibleng epekto nito. Ipinunto pa ni Ejercito na hindi naman kilalang shopping destination ang Pilipinas kundi mas kilala tayo sa tourism at recreation. Sa ilalim ng VAT refund para sa mga foreign travelers, ire-refund sa mga ito ang 12% VAT na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na bibilhin ng mga dayuhang turista.
Tourist refund dapat pag-aralan ng husto, ayon sa ilang senador
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...