Bureau of Customs nakaharang ng P9.4M halaga ng smuggled na sibuyas sa Zamboanga City

Nasabat ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga sa magkahiwalay na insidente ang mga smuggled na sibuyas na may kabuuang halaga na higit P9.49 milyon.

Sa unang operasyon noong Enero 22, nasita ng mga ahente ng kawanihan sa Barangay Labuan ang isang bangka, Timzzan,na may kargang 1,624 mesh bags ng imported na sibuyas na nagkakahalaga ng higit P2.59 milyon.

Kinabukasan, 4,308 mesg bags naman ng sibuyas ang nadiskubre sa isa pang bangka, MJ Marissa, at nagkakahalaga ang mga ipinuslit na sibuyas na higit P6.89 milyon, sa Barangay Cawit.

Nabatid na walang Sanitary at Phytosanitary  Import Clearance mula sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang mga sibuyas.

Bunga nito, mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act of 2016 ang mga responsable sa pagpupuslit sa bansa ng mga sibuyas.

Read more...