Suspek sa bomb threat sa QC, kaloboso

 

Naaresto na ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang suspek sa pagpapakalat ng bomb threat sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Elfrank Emil Anthony Bacle Kadusale, 22 anyos at residente ng Barangay San Martin de Porres.

Si Kadusale ay estudyante ng Alternative Learning System sa lungsod.

Sinabi pa ni Kadusale, katuwaan lamang ang kanyang ginawang bomb threat.

Matatandaang nasuspendi ang klase sa Ponciano Bernardo High School noong Huwebes dahil sa bomb threat.

Bukod sa naturang eskwelahan, nakatanggap din ng bomb threat ang New Era Elementary School at Emilio Francisco High School sa Quezon City.

 

Read more...