Maaring hindi na ituloy ng Land Transportation Franchising and regulatory Board ang Libreng Sakay program.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan ng kanilang hanay na magbigay na lamang ng diskwento sa pasahe.
Sa ganitong paraan aniya makikinabang ang lahat ng pasahero.
Sinabi pa ni Guadiz na limitado lamang ang pondo ng pamahalaan.
Una nang naglaan ang Department of Budget and Management ng P1.28 bilyon para sa Libreng Sakay program.
MOST READ
LATEST STORIES