Mga nagpapakalat ng bomb threat, tinutugis na ng QCPD

Photo credit: Quezon City government

Papanagutin sa batas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga taong nasa likod sa mga nagpapakalat ng pekeng bomb threat sa lungsod.

Babala ni Belmonte, nakikipag-ugnayan na ang lokal sa Quezon City Police District para ipa-aresto ang mga nagsasagawa ng prank calls na bomb threat.

Una rito, nakatanggap ng bomb threat ang New Era Elementary School, Emilio Jacinto High School, San Francisco High School at Ponciano Bernardo High School.

Pero sa pagsusuri ng QCPD, napag-alaman na mga prank lamang ang bomb threat.

“We will go after those who spread false information or pranks about bomb threats. Our schools are supposed to be a safe place for our students, and we will not take these pranks and threats lightly,” pahayag ni Belmonte.

“Our QCPD Anti-Cybercrime Group is equipped with state-of-the-art technology and we will track down anyone behind these bomb scares that could cause disruption and danger to our communities,” pahayag ni QCPD Director Police Brigadier General  Nicolas Torre.

Pinababalangkas na rin ni Belmonte ang City Council ng ordinansa na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa bomb threat.

Ang bomb scares o prank ay labag sa Presidential Decree No. 1727 o “Declaring As Unlawful the Malicious Dissemination of False information or the Willful Making of any Threat Concerning Bombs, Explosives or Any Similar Device or Means of Destruction and Imposing Penalties Therefor.”

 

 

Read more...