Imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni Duterte, itutuloy ng ICC

 

Tuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug operations ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos pagbigyan ng pre-trial chamber ng ICC ang hirit ng mga prosecutor na ipagpatuloy ang pagbusisi sa madugong anti-drug war campaign ng nakaraang administrasyon.

Base sa pahayag ng ICC, sinabi nito na matapos ang masusing pag-aaral, hindi kuntento ang ICC na may ginagawang sariling hakbang ang Pilipinas para maimbestigahan ang anti-drug war campaign.

Setyembre 2021 nang pormal na buksan ng ICC ang imbestigasyon.

Pero itinigil ito noong Nobyembre 2021 matapos ang huling ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang imbestigasyon.

Paliwanag kasi ng nakaraang administrasyon, gumagana ang hudikatura sa bansa kung kaya hindi na dapat na makialam pa ang ICC.

 

 

Read more...