Sa kabila nang pagtaas ng marami sa mga pangunahing bilihin, sinabi ng Department of Health (DOH) na nanatiling ‘stable’ ang presyo ng mga gamot.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire regular ang pagbabantay nila sa presyo ng mga gamot para malaman na sapat ang suplay sa merkado.
Pagbabahagi pa niya, mga hypertensive medicines ang nagkaroon ng maliit na dagdag sa presyo noong nakaraang buwan.
Aniya ito naman ay dahil sa inflation at mahinang halaga ng piso kontra sa dolyar.
“Ang mga gamot ay within the market system kung saan kapag nagkaka-inflation, devaluation ng piso, siyempre commodity yan tataas, bababa depende sa pagtaas at pagbaba din ng inflation,” paliwanag pa nito.
MOST READ
LATEST STORIES