Sarhento sa P6.9-B shabu pinasisipa sa serbisyo

PNP PHOTO

Inirekomenda ng  PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagpapatalsik sa serbisyo sa police sergeant na nakumpiskahan ng P6.7 bilyong halaga ng shabu noong nakaraang Oktubre.

Sinabi ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo,isinumite na nila sa PNP-Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) noong Enero 9 ang kanilang rekomendasyon na maalis na sa serbisyo si Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit sa National Capital Region.

“It is now upon the discretion of the Chief PNP, whether he will uphold or reverse the decision. We respect that,” ani Triambulo.

Dagdag pa ng opisyal, mababalewala na rin ang lahat ng mga benepisyo ni Mayo at kailanman ay hindi na ito makakapag-trabaho sa kahit anong ahensiya ng gobyerno.

Ayon naman kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., hindi pa niya nababasa ang kopya ng rekomendasyon ng IAS.

“For as long as they (IAS) have the recommendation, the result of the investigation is already for my approval. We will still have to check if the recommended punishment is appropriate for the supposed offense he had committed,” sabi naman ni Azurin.

 

 

Read more...