Pinagunahan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang pagsalakay ng kanyang mga tauhan sa isang bodega sa Tondo, Maynila.
Sa loob ng bodega ay bumulaga sa kanilang nag kahon-kahon ng mga sigarilyo.
Nang suriin ang mga kaha ng sigarilyo, nadiskubre na peke ang mga ginamit na selyo.
Ayon kay Lumagui bilyong-bilyong piso ang nawawalang kita ng gobyerno dahil lamang sa paggamit ng mga pekeng selyo.
Aniya magsasagawa sila ng imbestigasyon para matukoy ang mga responsable sa mga pekeng selyo at maaring sampahan ito ng tax evasion.
Naninidigan si Lumagui na ipagpapatuloy nila ang mga operasyon laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Hindi pa madetermina ang kabuuang halaga ng mga kinumpiskang sigarilyo.