Angkas makikipagtulungan sa ‘over-charging probe’

PDI PHOTO

Suportado ng motorcycle taxi hailing app na Angkas ang panukala ni Antipolo City  Representative Romeo Acop na hayaan ang kaukulang awtoridad na mag-imbestiga kaugnay sa reklamo na inihain laban sa kanila.

Inirereklamo ang Angkas ng Coalition of Filipino Commuters dahil sa umanoy overcharching sa mga pasahero.

Ayon kay George Royeca, Chief Executive Officer ng Angkas, sang-ayon sila pahayag ni Acop na may karapatan ang bawat Filipino na maghain ng reklamo at giit niya nakahanda silang  sagutin ang lahat ng alegasyon.

Sinabi pa ng namumuno sa House Transportation Committee  kapag naisampa na ang kaso, hayaan na ang proper body na magsagawa ng imbestigasyon.

Una nang naghain ng reklamo ang CFC laban sa Angkas sa Land Transportation Office dahil sa kabiguan nitong sawayin ang mga abusadong riders na naniningil ng sobra lalo na noong panahon ng Pasko.

Pangako ni Royeca, katuwang ang kanilang hanay ng pamahalaan na mabigyan ng ligtas at maasahang motorcycle taxi ride-hailing service ang mga pasahero at  paiigtingin sa kanilang hanay ang propesiyonalismo.

Una nang nakipag-partner ang Angkas sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) para mabigyan ng training ang mga riders sa tamang pagmamaneho para masigurong ligtas ang mga pasahero.

“The Angkas thrust is professionalizing the MC Taxi industry. This is the reason why Ankas was created,” sabi pa ni Royeca.

Hindi lamang sa Metro Manila mayroong operasyon ang Angkas kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa.

 

 

Read more...