Single ticketing system sa traffic violations sa NCR ikakasa sa 2023 1Q

MMDA PHOTO

Umaasa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na maipatutupad na sa unang quarter ng taon  ang single ticketing system sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, ipi—presenta na ng kanilang hanay ang final draft ng Metro Manila traffic Code sa Metro Manila Council sa Pebrero 1.

Sinabi pa ni Artes na kinakailangan na makapagpasa muna ang konseho ng lGUs  para  maipatupad ang single ticketing system.

Sa ilalim ng single ticketing system, mas m,adali na ang pagbabayad ng penalty ng mga traffic violators sa Bayad Centers o mobile apps.

Sinabi pa ng opisyal nasa LTO na ngayon ang hamon sa ICT equipments para sa interconnectivity at magsasagawa na ng imbentaryo ang MMDA, LGUs at LTO para malaman ang kakailangan na mga kagamitan sa interconnectivity.

Tiniyak pa niA Artes na ang MMDA ang magpopondo at bibili ng mga kapagamitan para mapabilis ang implementasyon ng bagong programa.

Tanging ang mga tauhan lamang ng LTO ang maaring magkumpiska sa lisensya ng pasaway na drayber pero maari pa rin naming mag -isyu ng traffic citation tickets ang LGUs.

Read more...