SAF 44 kinilala ng Malakanyang

PCO PHOTO

Binigyang pagkilala ng Palasyo ng Malakanyang ang 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano Maguindanao noong 2015.

Ayon sa Presidential Communications Office hindi kailanman kinakalimutan ng Malakanyang ang kabayanihan ng SAF 44 na mananatiling inspirasyon ng bawat Filipino.

Ngayon ang ika-walong taong paggunita sa  pagkamatay ng 44 SAF commandos.

Magugunita na ag Oplan Exodus ay  aarestuhin ng mga tauhan ng SAF ang international terrorist bomber na si Zulkifli Abdhir alias Marawan

Naka-engkuwentro  nila ang mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Sitio Tukanalipao noong Enero 25, 2015.

 

 

Read more...