LGUs palalakasin para sa climate change campaign

CONTRIBUTED PHOTO

Nakakuha ng matibay na kakampi ang mga lokal na pamahalaan sa Climate Change Commission para sa kanilang pagtugon sa mga epekto ng climate change sa bansa.

Ayon kay CCC Vice-Chairperson at Executivr Director Robert Borje, nilagdaan na ng kanilang hanay at ni First Gen President at Chief Operating Officer Francis Giles Puno ang Memorandum of Agreement na susuporta sa LGUs upang pagandahin ang kanilang local climate change action plans at kung papaaano magkakaroon ng access sa people’s survival funds.

Layunin din ng MOA na i-update ang climate and disaster risk assessments at greenhouse gas inventory ng mga LGUs.

Base sa talaan ng CCC hanggang noong Enero 19, 1,715 LGUs mula sa 1,399 ang nakapagsumite ng kanilang LCCAPS kung saan inaasahan ng komisyon na maabot ang 100 percent compliance sa taong 2024.

Binigyang-diin ni Borje na target din ng MOA na mas patatagin pa ang mga lokal na komunidad sa mga negatibong epekto ng climate change.

“Our LGUs, down to the barangays, are at the frontlines of climate change and its impacts. they need all the help they can get to have a fighting chance, but they also need transformation. we don’t want them to just adapt, we want them to thrive and grow, and this particular agreement—through formulation of elccaps and capacitating them to access the psf—will exactly do that,” ayon kay Borje

Paliwanag pa ng opisyal na buhay, kabuhayan, at kinabukasan ang nakataya kaya kailangang magtrabaho ang gobyerno katuwang ang lahat ng stakeholders upang mapagtagumpayan ng bansa ang epekto ng climate change.

 

Read more...