PNoy, may balak na sa unang araw bilang private citizen

pnoyDiretso sa bahay niya sa Times St. sa Quezon City si Pangulong Aquino pagkatapos ng turn-over ceremony sa June 30.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang una niyang gagawin pag uwi sa kanyang bahay ay ngingiti dahil alam niya na nabawasan na ang kanyang responsibilidad sa buhay.

Sinabi ng pangulo na ni-remodel ng kanyang mga kapatid at inorganisa naman niya ang kanyang bahay para hindi masyadong maalaala ang kanyang mga pumanaw na magulang kung kanino niya ito minana.

Samantala sa unang gabi niya bilang pribadong mamamayan, gusto niya ulit puntahan ang mga paborito niyang lugar para sa comfort foods tulad ng hamburger.

Kung dati ay may kasabay siyang Presidential Security Group sa lahat ng kanyang lakad, pagbaba niya sa puwesto malamang magsama na lamang siya ng isa sa kanyang pagkain at siya na lamang ang magmamaneho para sa sarili.

Read more...