Pag-IBIG Fund naglabas ng P117.8-B para sa home loans

Umabot sa P117.85 bilyon ang nailabas na pondo ng Pag-IBIG Fund para sa housing units ng 105,212 miyembro noong nakaraang taon.

Ito ay mataas ng 21 porsiyento o P20.57 bilyon na mas mataas kumpara sa nailabas na P97.28 bilyon noong 2021.

Nagamit ang naturang halaga sa pagsasa-ayos o pagpapatayo nmg 105,212 bahay para sa kanilang miyembro.

Ito naman ay mataas ng 11 porsiyento kumpara sa 94,533 bahay noong 2021.

“We are happy to report that Pag-IBIG Fund has once again set a new record-high in home loan releases in 2022. This is very good news because as the amount of home loans we release increases, so does the number of Filipinos who now have homes of their own,” ani Housing Sec. Jose Rizalino Acuzar, w

Sinabi pa ng kalihim ng  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD); “Pag-IBIG Fund’s performance is a testament to our united and unwavering efforts to resolve the country’s housing backlog, in line with the objective of President Ferdinand Marcos, Jr. under the Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.”

Read more...