Ipinagdiinan ni Senator Christopher Go na napakahalaga na mawakasan na ang pamamayagpag ng agricultural smugglers para sa ikabubuti ng kabuhayan ng mga magssaka.
“Unahin munang habulin ang mga smuggler. Mayroon naman tayong anti-smuggling law, parusahan po ang mga smuggler na nanamantala at nagko-control po ng presyo,” sabi ng senador.
Nilinaw din nin Go na ang dapat na inaaresto ay ang mga ‘bigtime smuggler.’
Kasabay nito ang kanyang panawagan sa Bureau of Customs (BOC) na hanapin, habulin, kasuhan at arestuhin kung nararapat ang mga nagpupuslit ng mga produktong-agrikultural.
“Tapos yung sibuyas, balatan mo, ipaamoy mo sa kanila nang maiyak sila,” pabirong pahayag ni Go.
MOST READ
LATEST STORIES