Naghain ng panukala si Senator Raffy Tulfo para mabigyan ng mga benepisyo at subsidiya ang mga barangay workers, kasama na ang volunteers at health workers.
Paliwanag ni Tulfo sa kanyang Senate Bill 1696 o ang Magna Carta for Barangay Officials, Personnel and Volunteer Workers, hiniling na magpatupad ng salary rate sa mga barangay workers alinsunod sa standardized Position Classification and Compensation Scheme.
Sa panukala, magkakaroon din sila ng insurance coverage ng Government Service Insurance System (GSIS) social insurance program, PhilHealth Insurance Program and Pag-Ibig nFund.
Tatanggap din sila ng hazard allowances, death at burial benefits.
“Ilan na sa mga tanod ang napabalitang nasaktan, nadisgrasya at nagbuwis ng buhay sa tawag ng tungkulin, Dahil sa pagganap nila sa kanilang tungkulin, sila ay napasama sa mga naging biktima ng COVID-19,” sabi ng senador.