Napakahalaga ng Mindanao sa usapin ng suplay ng pagkain sa bansa kayat tiniyak ni Senator Cynthia Villar ang tulong para mapalago ang sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Binanggit ni Villar na 40 porsiyento nmg pangangailangan sa pagkain ng bansa ay mula sa Mindanao at nag-aambag ng 30 porsiyento sa kalakalan ng pagkain sa bansa.
Aniya isinulong niya ang mga batas na magpapabuti pa sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka.
Binanggit ito ni Villar sa Kilusang Pagbabago 1st Regional Farmers Summit sa Cagayan de Oro City kahapon.
Bukod sa mga naipasa ng mga panukala, ipinangako nito na isusulong pa ang Livestock Poultry and Dairy Development and Corn Industry Development Law.
MOST READ
LATEST STORIES