Maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong listahanng suggested retail prices (SRPs).
Sinabi ito ni Usec. Ruth Castelo at dahil sa kahilingan ng mga manufacturers.
Aniya inaangal na ng mga manufacturers ang tumataas na halaga ng produksyon ng kanilang mga produkto.
Aminado si Castelo na may basehan ang hirit bagamat aniya pag-aaralan nila ang mga ibibigay na datos para naman kanilang maberipika.
Huling nagtaas ang SRPs ng mga pangunahing bilihin ay noong nakalipas na Agosto.
Posible na mailabas ang bagong listahan bago matapos ang kasalukuyang buwan.
MOST READ
LATEST STORIES