NEDA tiwala na lalambot ang inflation ngayon buwan

 

Kumpiyansa ang  National Economic and Development Authority (NEDA) na mababa na ang inflation rate ngayon buwan kumpara sa naitala sa pagtatapos ng 2022.

Katuwiran ni Usec. Rosemarie Edillon lumipas na ang matinding pangangailangan ng mga produkto at serbisyo noong Disyembre.

“‘Yung base effect hindi na rin medyo magiging factor. Hopefully ‘yung domestic supply ay maiayos na rin,” ani Edillon

Sa pagpasok ng bagong taon, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakagtala ng makasaysayang 8.1 percent inflation rate noong Disymbre.

Ibinigay na mga pangunahing dahilan ang mataas na presyo ng mga pagkain at ilang pangunahing serbisyo.

Ito ang pinakamataas simula noong Nobyembre 2008.

 

Read more...