Ilang araw pa lamang nakakalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame, ibinahagi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na may mga natanggap na siyang pagbabanta sa kanya buhay.
Magugunita na kamakailan ay pinawalang-sala si Cam at anak na si Marco Martin ng Manila RTC Branch 42 sa mga kasong murder dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya na mag-uugnay sa kanila sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.
Sa kauna-unahang pagkakataos makalipas ang halos dalawang taon na pagkakakulong humarap sa publiko si Cam.
Umiiyak na ibinahagi niya na labis na binago ng mga rehas ang kanyang mga pananaw sa buhay at aniya lubos siyang napalapit sa Dakilang Panginoon.
“First & foremost, the lesson I learned from my imprisonment including my son’s incarceration, I became closer to God, if you surrender your life to Him, nothing is impossible,” aniya.
Dagdag pa niya, nanumbalik ang napagtibay pa ang pagkakaibigan nila ni dating Sen. Leila de Lima, na katabi niya ang selda.
Aniya hiningi na niya ang kapatawaran ni de Lima sa kanyang mga nagawa lalo na ang pagpapagamit niya sa ilang taon na humantong sa pagkakakulong ng dating senadora.
“The realization that i was used as a tool for the imprisonment of Senator Laila Delima, nakita ko at naranasan ko mismo ang sakit at paghihirap na kanyang pakakulong. At humingi na ako ng kapatawaran at pagsisi sa aking pagkakamali. Restoration of our friendship is the most important than politics,” diin ng dating whistle-blower.
Kaugnay naman sa pagpapawalang-sala sa kanila ng kanyang anak, ipinauubaya na niya sa kanyang mga abogado ang gagawin nilang hakbang.
Diin niya napatawad na niya ang mga nagsadlak sa kanya bagamat aniya kailangan din niya ng hustisya sa nangyari sa kanila.
Kaugnay naman sa mga pagbabanta sa kanyang buhay, ayon kay Cam, hihingi siya ng proteksyon sa pambansang-pulisya.
Sinabi rin nito na kapag nabigyan ng pagkakataon ay makikipag-usap siya kay dating Pangulong Duterte para magpasalamat sa mga tulong na nagawa nito sa kanya.
Nagpahayag din ng kahandaan si Cam na makapagsilbi muli sa gobyerno dahil aniya nais niyang maipagpatuloy ang pagsisilbi sa mga kapos-palad at ngayon maging sa mga pinagdadamutan ng hustisya.
“I will assist & help BBM admiimistration para mabigyan.ng hustiya ang mga biktimang katulad namin mag ina upang ipakulong ang mga taong walang konsyenya at pumatay at magpakulong ng mga inosenteng tulad ko,” sabi pa nito.