Hindi na nagawa pa ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., na mailihim ang mga napaulat na pagkaligalig ng ilang matataas na opisyal ng AFP.
Inamin na ni Galvez na hindi kampante ang mga opisyal sa ilang probisyon sa batas na nagtatakda ng ‘fixed three-year terms’ sa mga matataas na opisyal.
Si Sen. Jinggoy Estrada ang kumulit kay Galvez ukol sa pag-ugong na may mga naliligalig na opisyal sa sandatahang-lakas.
“Yung grumbling normal na pag merong inefficiency and valid concerns,” pagbabahagi ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee on National Security, na pinamumunuan ni Estrada.
“I admit there’s grumbling kasi nakikita natin maraming affected,” dagdag pa ng kalihim.
Ibinahagi niya na bago tumulak sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland si Pangulong Marcos Jr., ay naayos na rin ang mga gusot.