Davos, Switzerland—Ibinida ni Pangulong Marcos Jr. ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2023 World Economic Forum (WEF) na ginaganap dito.
Sa kanyang paunang mensahe sa Country Strategy Dialogue, sinabi nito na malaki ang oportunidad sa pagnenegosyo sa bansa.
Ipinunto pa ng Pangulo ang 2023 global economic growth projection ng International Monetary Fund (IMF) para sa taong 2023 na nasa 2.7 percent lamang, mas mabagal kumpara sa 3.2 percent na naaitala noong nakaraang taon.
Ayon sa Pangulo, ang naturang numero ay napakahalaga sa pagbaba ng global economic growth projection kung saan nasa 6.0 percent ito noong 2021.
“But for the Philippines, we project our economy to grow by around 7.0 percent in 2023. Our strong macroeconomic fundamentals, fiscal discipline, structural reforms and liberalization of key sectors instituted over the years have enabled us to withstand the negative shocks caused by the pandemic and succeeding economic downturns and map a route toward a strong recovery,” pahayag ng Pangulo.
Mahalaga ayon sa Pagulo na mapangalagaan ang impact ng inflationary pressures lalo na sa mga pinakaapektadong sektor.
“We have seen inflation accelerating globally in recent months… We are mindful that while protectionist policies may be appealing, even necessary in the short term, there will ultimately be no long-term winners… We join the call for all governments to unwind any trade restrictions and reinforce our commitment to the World Trade Organization (WTO) reform,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Para matugunan ang kinakaharap na geopolitical risks, sinabi ng Pangulo na mahalaga na masuportahan ng bansa ang bawat isa.
Sa ngayon, naka-focus aniya ang bansa sa pagbangon sa ekonomiya kung saan itinataguyod ang mga maliliit na negosyante na makapasok sa global market.
Mahalaga rin ayon sa Pangulo ang economic at technical cooperation para matulungan ang mga maliliit na negosyante.
Dagdag ng Pangulo, para matugunan ang krisis sa enerhiya at pagkain, kinakailangan na magkatugma ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para matumbok ang economic at social transformation.
“The government also recognizes the importance of digitalization as a key driver for long-term economic growth and as a tool for economic transformation,” dagdag ng Pangulo.
Pangako rin ng Pangulo, palalakasin pa ang mga nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs) para maka makalahok sa digital economy.
“We have begun large-scale deployment of digital connectivity across the Philippines to ensure universal connectivity, particularly in geographically isolated and disadvantaged Marcos pointed out.
Para matugunan din ang social vulnerabilities,pinahahalagahan ng Pangulo ang edukasyon, skills development at lifelong learning process para mapalakas pa ang mga mangagawang Filipino.
Palalakasin din ng Pangulo ang government interventions at public-private partnerships (PPPs) para mapalawak pa ang oportunidad ng mga employment.
Kinakailangan din ayon sa Pangulo na palakasin ang health systems at social.
Dumalo sa country dialogue sina House Speaker Martin Romualdez, Finance Sec. Benjamin Diokno, Trade Sec. Alfredo Pascual, at Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan.
Nagsilbi namang moderator si Joo-Ok Lee, ang head ng Regional Agenda – Asia-Pacific at miyembro ng Executive Committee ng World Economic Forum.