PBBM, ex-UK PM Tony Blair nakapag-usap muli sa WEF

PCO PHOTO

Davos, Switzerland – Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr. kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair dito.

Gayunman, wala pang ibinigay na impormasyon ang Presidential Communications Office kung ano ang napag-usapan ng dalawa sa sidelines ng World Economic Forum.

Magugunita  na una nang nag-usap ang dalawa sa  United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre.

Pinag-usapan ng dalawa ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nang sumunod na buwan bumisita sa Malakanyang si Blair at muli silang nakapag-usap ni Pangulong Marcos.

Read more...