Hinihikayat ni Interior Secretary Benhur Abalos ang ibang opisyal ng pulisya sa ibat-ibang dako ng bansa na pag-aralan na maikasa din ang S.A.F.E. NCRPO App.
Sinabi ni Abalos na napapanahong instrumento ang naturang app-based alert system sa paglaban sa mga kriminal na gumagamit na rin ng teknolohiya sa kanilang modus.
“I congratulate the NCRPO Safe App napaka importante nito with the launching of this app alert to make use this technology. Napakaganda ng liderato ng Philippine National Police at inaasahan natin na with the launching of this S.A.F.E. NCRPO App Alert talagang lalo tayong kikilos maigi,” aniya.
Naniniwala ang kalihim na sa pamamagitan ng tech-based crime fighting system ay bababa pa ang crime rate sa bansa.
“Ang strength natin dito, it’s not just technology, it’s not just the police or the mayors. But most importantly ang taong bayan. Kasama mo sa fight na ito. So all of these combined, I’m sure baba ang mga crime rate na ito,” dagdag pa ni Abalos.