Bilang ng bagong COVID 19 cases bumaba pa

Mas mababa ng anim na porsiyento ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID 19 sa bansa sa nakalipas na linggo.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang average daily case mula Enero 9 hanggang 15 ay 419 at mababa ito kumpara sa naitala noong Enero 2 hanggang 8.

Nakapagtala naman ang kagawaran ng 2,934 bagong kaso at isa sa mga ito ay malubha.

Sa mga nasa mga ospital, 567 ang malubha ang kalagayan.

Okupado naman ang 402 sa 2,340 ICU beds at may 3,917 ang mga nasa non-ICU beds.

Samantala, may bagong naitalang 116 na namatay at 14 ay nangyari noong Enero 2 hanggang 15.

 

Read more...