P89 milyong shabu nasabat ng BOC at PDEA

 

Aabot sa P89.590 milyong halaga ng shabu mula Nigeria ang nakumpiska ng Bureau of Customs.

Ayon kay BOC Commissioner Yogi Felimon Ruiz, ideneklarang snacks ang kontrabando.

Nagsagawa aniya ng controlled delivery operation ang BOC katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa isang consignee sa Las Pinas City.

Nabuking ng mga tauhan ng BOC at PDEA na shabu na may 3,175 gramo ang parcel.

Agad namang naaresto ang hindi pinangalanang consignee.

 

 

Read more...