800,000 pamilya matatanggal sa 4Ps

 

Nasa 800,000 na pamilya lamang at hindi 1.3 milyong pamilya ang matatanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Undersecretary Edu Punay, sa 1.3 milyon, nasa 500,000 ang na-determina na mahirap pa rin kung kaya kwalipikado pa sa 4Ps.

Sinabi pa ni Punay na ang mga pamilyang matatanggal sa 4Ps ay magka-kwalipika sa Sustainable Livelihood Program kung saan bibigyan ng P15,000 na ayuda para makapagsimula ng maliit na negosyo.

Nabatid na noong 2022, nasa 4.3 milyong pamilya ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng 4Ps.

Nasa 98.3 porsyento mula sa 4.4 milyong target noong nakaraang taon.

 

Read more...