Patay ang 20 katao dahil sa pag-ulan at pagbaha dulot ng low-pressure area, northeast monsoon at shear line sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, anim ang nasawi sa Eastern Visayas, lima sa Bicol region, apat sa Zamboanga Peninsula, apat sa Northern Mindanao at isa sa Davao region.
Wala katao naman ang naiulat na nasugatan at nilapatan ng lunas.
Isa katao pa ang nawawala at pinaghahanap.
Ayon sa NDRRMC, nasa mahigit kalahating milyong katao ang naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan.
Nasa P257 milyong halaga ng agrikultura ang nasira.
MOST READ
LATEST STORIES