Lisa Marie Presley ihihimlay sa tabi ng anak

 

Ihihimlay sa Graceland sa Memphis mansion angg mga labi ni singer-songwriter Lisa Marie Presley, ang anak ni “King of Rock ‘n Roll” Elvis Presley.

Ayon sa abiso ng pamilya Presley, ihihimlay si Lisa Marie sa tabi ng kanyang anak na si Benjamin. Taong 2020 nang pumanaw si Benjamin Keough sa edad na 27.

Pumanaw si Lisa Marie sa edad na 54 matapos ang cardiac arrest sa Los Angeles.

Dalawang araw bago pumanaw, dumalo pa si Lisa Marie kasama ang inang si Priscilla Presley sa Golden Globe Awards kung saan nanalo si Austin Butler bilang best actor para papel ng pelikulang “Elvis.”

Si Lisa Marie ay nag-iisang anak ni Elvis.

 

 

Read more...