Road reblocking sa ilang kalsada, ikinasa ng DPWH

 

Nagsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng Metro Manila Development Authority, nagsimula ang road reblocking 11:00 kagabi, Enero 13.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang kahabaan ng C-5 Service Road, Barangay Bagong Ilog malapit sa Rizal Medical Center sa Julia Vargas cor. Lanuza Avenue, Barangay Ugong malapit sa Valle Verde 5 Pasig City; C-5 Road Southbound (3rd lane) sa Makati City at kahabaan ng EDSA Southbound (Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge) sa Quezon City.

Magiging fully passable ang mga nabanggit na kalsada ng 6:00 ng umaga sa Lunes, Enero 16.

Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na maghanap ng alternatibong ruta.

 

Read more...