Abu Sayyaf bomber nasukol ng NBI sa Cavite

Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bacoor City, Cavite.

Nabatid na nagtago sa Cavite si Usup Adin para iwasan ang mga awtoridad sa Zamboanga City.

Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder.

Ayon sa NBI sangkot din si Adin sa mga insidente ng pambobomba at pagpatay sa Mindanao.

Dating Philippine Army integree si Adin gamit ang pangalan na Alib Adin at tinanggal sa serbisyo noong 2004 dahil sa pagiging AWOL.

Read more...