Dahil nakasalalay ang kaligtasan ng mga pasahero, hindi dapat makuntento sa ‘band aid solutions’ ang Civil Aeronautics Authority of the Philippines (CAAP).
Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Services sa nangyaring ‘NAIA shutdown’ Enero 1.
Kailangan aniya ng mga konkretong hakbang para mapagbuti ang air traffic system sa bansa at aniya kabilang dito ang pagkakaroon ng mga tamang tao at kagamitan.
“We must not be satisfied with troubleshooting of bandaid solutions to even the tiniest smoke because the safety of our air passengers is as at stake,” ani Poe.
MOST READ
LATEST STORIES